-- Advertisements --
Francisco Martin
Francisco Martin/ FB image

Pasok na sa finals ng American Idol ang Filipino-American singer na si Francisco Martin.

Napahanga niya kasi sa kaniyang performance ang mga audience at fans.

Kinanta nito ang Disney song mula sa pelikulang Tarzan na “You’ll Be Here In My Heart”.

Walang masabi at labis ang paghanga ng judge na si Lionel Richie.

Tinawag naman ni Katy Perry na “brilliant at amazing” ang naging performance ni Francisco.

Labis din ang papuri kay Franciso ng isa pang judge na si Luke Bryan at tinawag nitong “King of American Idol”.

Maghaharap ang pitong “American Idol” Finalists sa finals night sa Mayo 18, araw dito sa Pilipinas.