-- Advertisements --

Napili ang Filipino-American R&B singer na si H.E.R na magtatanghal sa closing ceremony sa Paris Olympics.

Siya ang inaasahang kakanta ng national anthem ng US sa Stade de France bilang bahagi ng handovers sa Los Angeles Olympics sa darating na 2028.

Ang 27-anyos na mula sa California ay nagwagi ng Grammy sa kanta nitong “I Can’t Breathe” noong 2021 bilang isang protest anthem.

Sa parehas din na taon ay nagwagi ito ng best original song sa “Fight for You” mula sa soundtrack ng “Judas and the Black Messiah”.