-- Advertisements --

Nakatakdang magsagawa ng concert ang Filipino-American singer na si Olivia Rodrigo.

Sa social media account nito ay inanunsiyo niya ang mga petsa ng Asia at Australia ng “Guts World World Tour”.

Magsisimula ito sa buwan ng Setyembre at ilan sa mga tutunguhin niya ay ang Bangkok, Seoul, Hong Kong, Melbourne at Sydney.

Makakasama niya sa nasabing tour ang New Zealand singer-songwriter na si Benee.

Hindi naman na binanggit nito ang detalye ng pagtungo niya sa Pilipinas at sinabing maghintay lamang sa anunsiyo.

Magugunitang noong Disyembre ng nakaraang taon ay sinabi ng 21-anyos na singer na magsasagawa ito ng world tour kung saan binanggit nito ang Pilipinas na tutunguhin.