-- Advertisements --
Nakakuha ng limang nominations sa MTV Video Music Awards ang Filipina-American singer Olivia Rodrigo.
Kinabibilangan ito sa artist of the year kung saan makakalaban niya sina Ariana Grande, Doja Cat at Taylor Swift.
Kasama niyang mayroong limang nominasyon sina Billie Eilish, Doja Cat, Drake, Giveon, Lil Nas X at K-Pop Group na BTS.
Ilan sa mga kantang pinasikat ni Olivia ay “Drivers License” , “Happier” at maraming iba pa.
Gaganapin ang awarding sa September 12 sa Barclays Center sa New York City.