-- Advertisements --

Humanga ang mga fans ng Filipino-American singer Olivia Rodrigo dahil sa agad itong bumangon matapos na maaksidente sa stage.

Naganap ang insidente sa kaniyang “Guts” tour sa Australia, kung saan habang kumakanta ay bigla itong nahulog sa butas ng stage na matatagpuan sa gitna.

Mabilis itong umakyat at ipinagpatuloy ang pagkanta.

Makikita rin sa kumalat na video na sinabi niyang ayos lamang ito at ipianagpatuloy ang pagkanta.

Maaring dahil sa sobrang dilim o kaunti ang ilaw sa Rod Laver Arena kaya hindi niya napansin ang bahagyang puwang sa stage.

Hindi naman binanggit ng kampo ng singer kung may natamo ba itong sugat sa insidente.