May mga pagbabagong gagawin si Filipino-American skier Asa Miller sa pagsabak na nito sa slalom event sa Linggo sa nagpapatuloy na 2022 Winter Olympics sa Beijing.
Sinabi ng 21-anyos na si Miller na nais niyang maiwasan na mangyari sa kaniya ang hindi matapos ang laro na kadalasang nangyayari kahit na sa mga magagaling na o kampeon sa nasabing event.
Kasama nito ang ama sa Beijing na si Kelly kung saan isa ring aktibong skiier sa loob ng 27 taon.
Lagi aniya siyang pinapayuhan ng ama ang kahalagahan ng pagkabisado sa lugar para hindi na magkaroon ng anumang aberya pagdating sa araw ng karera.
Dumating na rin nitong Huwebes sa Beijing ang American coach ni Miller na si Will Gregorak kung saan aminado nito na may mga ibang diskarte silang babaguhin.
Magsisimula sa linggo ang men’s slalom sa National Alpine Skiing Center at ang ikalawang event na sasalihan ni Miller ay sa darating na Miyerkules.