-- Advertisements --
Tiyak na ang pagsabak sa 2022 Winter Olympics sa Beijing, China si Filipino- American skier Asa Miller.
Sa kaniyang Instagram account inanunsiyo mismo nito ang nasabing magandang balita.
Naging representative na ng Pilipinas si Miller noong 2018 Pyeongchang Winter Games.
Nagtapos siya noong bilang pang-70 sa giant slalom events.
Lalahok ito sa Giant Slalom at Slalom event.
Nakamit kasi nito ang minimum qualification na itinakda para sa Beijing 2022 na nalagpasan ang 160 points ng International Skiing Federations.
Unang nakasali kasi ang Pilipinas sa Winter Olympics noong 1972 sa Sapporo na kinabibilangan nina Juan Cipriano at Ben Nanasca ang dalawang alpine skiers ng bansa.