-- Advertisements --

Kabilang si Filipino-American social meda star Bella Poarch sa bagong kanta ng Korean group na Enhypen.

Inanunsiyo ng agency na may hawak ng grupo na Belift Lab na kasama si Poach sa kanta nilang “Sweet Venom”.

Kasabay din nito ay inilabas ng agency ang mini-album ng grupo na “Orange Blood” na naglalaman ng pitong kanta ng grupo.

Naglalaman ding ang album ng tatlong bersiyon ng “Sweet Venom”.

Ang grupo ay binubuo nina Heeseung, Jay, Jake, Sunghoon, Sunoo, Jungwon, at Ni-ki ay magbabalik sa K-pop secen sa darating na Nobyembre 17.

Huling naglabas kasi ang grupo ng kanta ay noong nakaraang anim na buwan sa kantang “Dark Blood”.