Pumayag na ang Filipino American NBA star na si Jordan Clakson na manatili pa rin sa Utah Jazz matapos pumirma ng panibagong kontrata.
Batay sa mga lumabas na impormasyon, nagkasundo sina Clarkson at Jazz ng apat na taong kontrata sa halagang $52 million o tinatayang katumbas ng halagang P2.4 billion.
Si Clarkson ay kabilang na sana sa free agency pero nagustuhan siya ng koponan bunsod nang nakakabilib na performance kamakailan sa NBA bubble kung saan umabot ang team sa playoffs.
Ang shooting guard ay nag-a-average ng 16.7 points per game mula sa bench.
Nagtala rin siya ng record na 46.4% mula sa field.
Gayunman hindi na nakausad ang Jazz sa second round nang biguin ng Denver Nuggets.
Ang bench scorer ay dating a second-round pick noong 2014 NBA draft ng Lakers.
Pagkatapos sa LA ay na-trade siya patungong Cavaliers hanggang sa mapunta sa Jazz.
Hawak niya ang career averages na 14.8 points, 3.1 rebounds at 2.6 assists per game.
Samantala lumalabas naman sa kanyang bagong deal sa Jazz, susuweldo ang 28-anyos na player ng humigit kumulang sa P5.2 million kada buwan.
Si Clarkson na ang ina ay isang Pinay mula sa Angeles, Pampanga ay dati na ring naglaro sa bandila ng Pilipinas noong 2015 FIBA Asia Championship.
Sa ngayon nagpipilit ang Samahang Basketball ng Pilipinas na ligawan ang FIBA upang payagang makapaglaro muli ang NBA star sa ilalim ng uniporme ng Gilas Pilipinas para sa 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.