BAGUIO CITY – Proud Pinoy ang satellite engineer-turned actor na si JB Tadena na ngayon ay kabilang sa cast ng nagpapatuloy na Hollywood show na “Kung Fu: Season 2.”
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio sa Filipino-American actor, ikinuwento nito ang kaniyang karanasan sa martial arts series bilang ang karakter na si Sebastian.
Inamin din nitong masaya siya maging bahagi ng isang palabas na kinabibilangan din ng mga Asian-American.
“It’s super exciting because we all have the same relatability. We know that we all come from a background of being underrepresented in media. I think we all approach it with a credible amount of respect. We all wanted to make this the best show it can be and I think it’s apparent with our chemistry. It’s really been like a dream to work on,” wika ng aktor.
Ibinahagi din naman nito ang ilan sa kaniyang mga natutunan sa Hollywood.
“As long as your desire is pure and you wanna pursue art for art sake, go for it. Don’t listen to the naysayers because there’s gonna be a lot of them.”
Ipinanganak si JB sa U.S. habang mula naman sa Quezon province at Ilocos Sur ang kaniyang mga magulang.
“I’m proud to be Filipino. I’m proud to be Filipino-American. I love you all!”
Samantala, ilan sa mga aabangan mula sa Kung Fu star ang isang Disney animated series at isang independent film.
Kung maaalala noong 2019 at 2020, naging bahagi si Tadena ng mga U.S. shows na “SEAL Team” at “Westworld.”