Nagpasya si Filipino-American tennis star Treat Huey na magretiro sa paglalaro.
Isinagawa nito ang anunsiyo matapos ang pagkatalo niya sa Citi Open Qualifiers.
Nabigo kasi si Huey kasama ang partner nito na si Marcos Giron sa doubles laban kina Tallon Griekspoor at Alexander Bublik sa score na 7-5, 6-7, 8-10 nitong Hulyo 30.
Sinabi nito na kahit na labis siyang nalulungkot sa pagretiro ay masaya na rin ito dahil sa maraming mga magagandang alaalang naidulot ng nasabing paglalaro niya ng tennis.
Nagsimula siyang maglaro sa professional career noong 2008 kung saan nagwagi ito ng gold, silver at bronze medals para sa Pilipinas noong Southeast Asian Games mula pa noong 2009.
Matapos ang kaniyang pagreretiro ay magiging assistant coach na ito sa University of Virginia.