-- Advertisements --

Nilinaw ng Malacañang na hindi mapeperwisyo ang mga Filipino-Americans sa planong visa requirement ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Amerikano.

Reaksyon ito ng Palasyo matapos na manawagan si US Senator Dick Durbin sa administrasyong Duterte na palayain na ang nakakulong na si Sen. Leila de Lima sa halip na pagbantaan ang mga kaalyado nito sa pamamagitan ng paghihigpit sa pagpasok ng mga Amerikano sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sang-ayon sa batas ng Pilipinas ay hindi saklaw ng ultimatum ang mga Pilipinong naninirahan na sa Estados Unidos, o maging ang mga balikbayan.

“Filipinos residing or sojourning in America, or our balikbayans, are not covered by our ultimatum should the US Government pursue banning the entry of Filipino officials acting in accordance with Philippine law apropos Senator de Lima’s case,” wika ni Panelo.

Sinabi rin ni Panelo na ang visa requirements sa mga banyaga bago pumasok sa Pilipinas ay karapatan ng bansa at hindi insulto gaya ng pahayag ni Durbin.

Minaliit lamang din ng kalihim ang panawagan ng US senator na palayain na si De Lima, na aniya’y isang uri ng tahasang panghihimasok sa soberenya ng Pilipinas.

“The call of these foreign officials to release Senator Leila de Lima, who is presently facing charges before an independent Philippine court, is a brazen interference into our sovereignty. Their demand to provide the lady senator a fair, speedy and credible trial is totally misplaced because such is being given to her as required by the Constitution,” ani Panelo.

“If any party feels that such constitutional guarantee is not being observed, then such party should avail of appropriate remedial measures under Philippine law. Any undue persuasion that tramples upon our judicial processes or puts any form of tension on the officers of our courts relative thereto must be condemned accordingly by all citizens of this state,” dagdag nito.

Si Durbin ay kabilang sa dalawang US senators na pinagbabawalang makapasok sa Pilipinas dahil sa ambag nila sa mga panibagong sanctions ng Amerika sa ilang Filipino government officials.