-- Advertisements --

Arestado ang isang Filipino-American na nahaharap sa kasong child pornography.

Ito ay batay sa warrant of arrest na mula pa sa Estados Unidos.

Nakilala ang suspek na si Joel Pasay, 56-anyos na inaresto sa Angeles, Pampanga.

Ayon kay Manila Police Distric Director, Police Chief Superintendent Vicente Danao Jr., nakatanggap sila ng impormasyon na nasa Tondo ang suspek, subalit pagdating sa lugar, umalis na pala ang suspek at pupunta ng Clark sa Pampanga.

Sa isang bahay sa Clark, natuntuon ang suspek at agad siyang inaresto.

Si Pasay ay may kasong Receipt of Child pornography sa Nevada.

Pinaniniwalaang nagdi-distribute si Pasay ng mga materyales na may child pornagraphy sa US.

Noong 2018, napag-alaman na nasa Pilipinas si Pasay kaya agad nag issue ng deportation order ang Bureau of Immigration.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Manila Police ang suspek.