Umaasa si Filipino-Canadian tennis player Leyla Fernandez na magtatagumpay na sa kaniyang pagbabalik sa paglalaro sa US Open.
Ito ay matapos na mabigo siya kay Emma Raducanu sa finals ng US Open.
Ikinumpara pa ng 19-anyos na si Fernandez ang sarili sa New York na matapos ang 20 taon na September 11 terror attack ay matatag pa rin ito.
Bago kasi ang finals kay Raducanu ay tinalo ng ranked 73 sa buong mundo ang ilang mga sikat na tennis players gaya nina Naomi Osaka, 17th-ranked Angelique Kerber at ranked number 5 na si Elina Svitolina.
Kahit na natalo ay pinasalamatan niya ang pamilya nito na sumuporta mula sa simula at maging si Canadian Prime Minister Justin Trudeau at Brooklyn Nets coach Steve Nash.
Ang coach ni Fernandez ay ang kaniyang ama na dating Ecuadorian footballer habang ang ina nito ay isang Fiipino-Canadian.