-- Advertisements --
Kasama sa Most Improved Player of the Year ng 2021 Women’s Tennis Association (WTA) Player Awards si Filipino-Canadian Leylah Fernandez.
Makakatunggali ng 19-anyos na si Fernandez sina Maria Sakkari, Barbora Krejcikova, Ons Jabeur, Anett Kontaveit, Paula Badosa at Jessica Pegula.
Isinilang sa Canada si Fernandez mula sa Filipino-Canadian na ina at ang ama naman ito ay isang Ecuadorian.
Nominado naman sa WTA Player of the Year si British tennis player Emma Raducanu na tumalo kay Fernandez sa finals ng US Open ngayong taon.