-- Advertisements --
Pasok na sa quarterfinals ng US Open si Filipino-Canadian Leylah Fernandez matapos talunin si 2016 champion Angelique Kerber ng Germany.
Nakuha nito ang score na 4-6, 7-6 (7-5) 6-2 .
Nagkaroon pa ng problema ito sa ikalawang set hanggang tuluyang makabangon.
Unang tinalo ng 18-anyos na si Fernandez si world’s number 3 Naomi Osaka sa third round.
Si Fernandez ay naging representative na rin ng Canada noong Tokyo Olympics.
Mismo ang ama nitong si Jorge na dating Ecuadorian professional soccer player ang coach nito.
Habang ang ina nito na si Irene ay isang Filipino Canadian kung saan pangalawa si Leylah sa tatlong magkakapatid na pawang mga babae.
Susunod na makakaharap nito si Elina Svitolina ng Ukraine sa susunod na round.