Nakatakdang mag-angkat din ang grupo ng mga negosyanteng Filipino-Chinese ng hanggang kalahating milyon na doses ng Sinovac.
Ayon kay dating Ambassador Francis Chua, ang chairman emeritus ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), kung mauuna umano ang bakuna na Sinovac, ‘yon na rin daw ang kanilang io-order para sa kanilang mga empleyado at pamilya.
Una nang nangako ang China na magbibigay ng donasyon ng hanggang 600,000 ng Sinovac.
Gayunman sinabi raw ng ambassador ng China sa Pilipinas, baka sa sunod na linggo pa ito dumating.
Ipinagtanggol din ng lider ng Chinese community ang bakunang Sinovac.
Sa kanilang impormasyon, wala naman daw side effect sa ginagawang mass vaccination sa China.
Habang ang ilang miyembro ng Presidential Security Group ng Pangulong Duterte na naunang nabakunahan noong nakaraang taon ay hanggang ngayon ay maayos naman daw ang kalusugan.