KORONADAL CITY – Naniniwala si Azkals assistant coach Richard Leyble na malaking bentahe para sa national team ang pagkakaroon ng half-foreign blooded players.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal, inihayag rin ni coach Leyble na ilan sa mga players na mangunguna sa team ay ang Filipino-German footballer na si Stephan Schröck.
Maliban dito, kumpiyansa si coach Leyble na maipapanalo ng national football team ang kanilang mga laban dahil siyento-porsyentong handa at competitive ang mga ito.
Kabilang rin aniya sa kanilang tinututukan ang pagpapalakas ng kanilang team lalo na sa fitness, at disiplina upang maibigay ang pinakamagaling na performance sa laro.
Nabatid na nagmula sa lungsod ng Koronadal si assistant coach Leyble at orihinal ring miyembro ng national football team na dalawang beses na nag-compete sa SEA Games sa Indonesia at Brunei Darussalam.