-- Advertisements --

Nabigo si Filipina-Ivorian fencer Maxine Esteban laban kay Pauline Ranvier ng France sa women’s foil individual table of 32 sa nagpapatuloy na Paris Olympics.

Nangangahulugan nito ang pagtatapos sa kampanay ni Esteban na siyang nagrerepresenta ng Cote d’Ivoire.

Unang nakapuntos ang 23-anyos na si Esteban subalit mabilis na nabawi ng dating Olympic silver medalist.

Nagtapos ang laban sa 1:52 mark ng ikalawang frame.

Magugunitang si Esteban ay mayroong bye sa table of 64 ay nagpalit ng nationalities noong nakaraang taon.