-- Advertisements --
Inanunsiyo ni Filipino-Japanese karateka Junna Tsukii na ito ay magreretiro na.
Sinabi nito na lilipat na lamang ito sa mundo ng mixed martial arts.
Pinasalamatan nito ang mga sumuporta sa kaniyang karate career sa loob ng 26 na taon.
Dagdag pa nito na kahit na iba na ang stage na kaniyang paglalaruan ay titiyakin niyang magiging exciting ang bawat pagsabak niya.
Ang 32-anyos na si Tsukii ay nagtala ng kasaysayan matapos na magwagi ng unang gintong medalya sa 2022 World Games.
Nagwagi rin ito ng gintong medalya sa 2019 Southeast Asian Games.
Agad na sasabak ito sa MMA kung saan makakaharap niya si Ruka Sakamoto sa darating na Agosto 31.