-- Advertisements --

Nagwagi ng gold medal si Filipina-Japanese karateka Junna Tsukii sa Karate1 Premier League na ginanap sa Cairo, Egypt.

Matapos kasi na magwagi ito sa limang laban ay natiyak na ang unang puwesto makaraang talunin si Rashee Areeg, 2-1 sa 50 kg. division kumite final.

Naging dikitan ang laban ng dalawa hanggang sa pagsapit ng huling segundo ng gold medal match.

Naipasok kasi ng 29-anyos na pambato ng Pilipinas ang “Yuko” o suntok sa ulo o sa katawan sa kalaban na nagdala sa kaniya ng 2-1 na panalo sa huling anim na segundo ng laban.