-- Advertisements --

Nakakuha ng gold medal si Filipino-Japanese karateka Junna Tsukii sa Golden Belt Karate Tournament sa Serbia.

Sa kaniyang Facebook, labis ang pasasalamat nito sa mga pagbati niyang natanggap at sa mga tumulong sa kaniya para magwagi sa torneo.

Bahagi ang nasabing torneo para makakuha ng spot si Tsukii sa Tokyo Olympics.

Si Tsukii ay isa sa mga gold medalist ng 2019 Southeast Asian Games at naging bronze medalist din noong 2018 Asian Games.

Magugunitang anim na Filipin na ang kwalipikado na sa Tokyo Olympics na kinabibilangan nina Carlos Yulo sa gymnastics, EJ Obiena sa athletics at mga boksingero na sina Eumir Marcial, Irish Magno, Carlo Paalam at Neshty Petecio.