-- Advertisements --
Nasa pangalawang puwesto na sa Karate Premier League annual ranking si Filipino-Japanese karateka Junna Tsukii.
Sumunod ito kay Serap Ozcelik Arapoglu ng Turkey sa 50-kg category matapos na magwagi ng gold medal sa Portugal at Egypt.
Nabigo kasi si Tsukii na makapaglaro sa Tokyo Olympics matapos na talunin siya ni Ivet Goranova ng Bulgaria sa qualifiers sa Paris.
Tiniyak ni Tsukii na gagawin niya ang lahat para makuha ang unang puwesto sa nasabing ranking.
Si Tsukii ay 2018 Asian Games bronze medalist at 2019 Southeast Asian Games gold medalist.