-- Advertisements --
Nabasag ni Filipino-Moroccan trackster Yacine Guermali ang 1500 meter run record ng bansa.
Mayroong oras na 3 minutes and 43.59 seconds ang naitalang record nito sa Portland Distance Carnival tournament.
Hawak kasi ni Mervin Guarte ang record na 3 minutes 47.65 seconds ito na kaniyang naitala naman noong 2011 Southeast Asian Games.
Naging pangalawa sa puwesto si Guermali sa nasabing torneo na ang nagwagi ay si Caleb Webb na mayroong record na 3:42.57.
Ayon naman sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na nalagpasan ni Guermali ang oras na naitala ni Dinh Cuong Ngyun noong 2007 Sea Games na mayroong 3:45.70.