-- Advertisements --

Tiniyak ni Filipino-American sprinter Eric Cray na maibabalik niya ang titulo sa darating na Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa.

Noong 2015 SEAG ay pumangalawa lamang ito sa 100 meters dash dahil nakuha ito ni Malaysian Kharul Hafiz Jantan sa Kuala Lumpur.

Sinabi nito na ang target niya ay para maibalik ang pinakamabilis na tao sa Southeast Asia at mahigitan nito ang sariling personal record.

Sa ngayon ay abala na siya sa paghahanda para sa nasabing torneo na gaganapin sa buwan ng Nobyembre.