ILOILO CITY – Labis na ikinatuwa ng mga Pinoy sa Japan ang mga programang iprinesenta ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. kasabay ng meet and greet sa Filipino community sa Tokyo.
Ayon kay Bombo Josel Palma, international correspondent sa Japan, pinangako ng presidente ang sapat na trabaho sa Pilipinas para hindi na mapilitang mag-abroad ang mga Pinoy upang kumita nang maayos.
Excited rin ang Filipino community sa commitment ng presidente na i-develop pa ang airports sa Manila, Cebu, at Davao upang makaakit ng mas maraming turista.
Pagkatapos ng meet and greet kahapon ayon kay Palma, pinulong pa ng Department of Tourism ang Filipino organization leaders para sa presentation ng Bisita, Be My Guest incentive program.
Ang programang ito ay humihikayat sa overseas Filipino workers na maging tourism ambassadors.
Bibigyan umano ng incentive ang mga Filipino na maka-invite ng foreign tourists.
May naghihintay rin na free holiday vacations, air tickets, at condominium sa lucky winners na sa nasabing programa.