Plano raw ng Commission on Elections (Comelec) na isagawa ang paghahain ng certificates of candidacy (CoC) para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) elections sa buwan ng Hulyo.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) chairperson George Garcia, target nila itong isagawa sa unang linggo ng buwan ng Hulyo.
Ang mas maagang paghahain ng certificate of candidacy ay para maresolba raw agad ang mga disqualification cases at nuisance cases na minsan daw ay sobrang dami.
Pinaalalahanan din ni Garcia ang publiko na hindi tatanggapin ng komisyon ang mga 24-anyos para sa Sangguniang Kabataan positions.
Para naman sa mga regular na kandidato, hindi raw tatanggapin ng komisyon ang mga hindi rehistradong botante.
Ang barangay at Sangguniang Kabataan elections ay isasagawa sa Oktubre 30.