-- Advertisements --
Pansamantalang sinuspindi ng Supreme Court (SC) ang filing ng pleadings at iba pang court submissions dahil sa epekto ng bagyong Odette.
Base sa administrative circular na inilabas ng SC, epektibo kahapon hanggang sa Enero 3, 2022 ay suspendido muna ang lahat ng mga courts submissions.
Sinabi ng kataas-taasang hukuman na kasunud na rin ito ng pinsala na iniwan ng bagyong Odette sa Bicol, Palawan, Visayas at Mindanao.
Dahil sa naturang bagyo ay nagkaroon din ng matinding pinsala sa mga government infrastructure.
Ang mga pleadings at mga court submission na pasok sa mga naturang petsa ay kailangang isumite ang kanilang mga dokumento sa Enero 4.