-- Advertisements --

Nagpasyang pumasok sa mundo ng showbiz si Filipina-American gymnast Levi Jung Ruivivar.

Sinabi nito na nasa dugo nila ang pagiging artista dahil ang ama nito ay actor na si Anthony Ruivivar at Yvonne Yung.

Pumirma na ito ng kontrata sa isang entertainment agency kung saan may ilang nakalinya na siyang mga project.

Ibinahagi pa niya na may mga nakalinya na ring mga endorsement mula sa iba’t-ibang kumpanya.

Isinagawa nito ang pagpirma ng kontrata ilang araw matapos ang paglahok nito sa Paris Olympics.