BACOLOD CITY – Naglunsad ng bagong libro na magiging gabay kung paano magsurvive sa gitna ng Pandemic crisis ang Financial Literacy Advocate Pinay Book Author na si Anna Liza Naik na kasalukuyang nasa India.
Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Naik na tubong Oriental Mindoro, sa gitna ng kinakaharap na mga pagsubok kung saan ang nasabing bansa ay pumang-apat na sa may pinaka maraming Covid-19 cases sa buong mundo, hindi siya tumigil sa pagsusulat ng libro at kinonsidera niya ang pagkakataong ito upang makagawa pa ng mga bagay na puwede niyang mapagtuunan ng pansin, mapagkakakitaan at maka tulong din sa iba.
Bukod sa pag susulat ng libro siya ay nag o-online teaching din at nag online selling upang may idagdag sa pangangailangan.
Ayon sa kanya dati na rin siyang sales specialist sa isang corporate company dito sa Pinas , isa din ito sa naging background niya kung bakit kinareer ang pagiging Financial Literacy Advocate Book Author at pagiging madiskarte sa negosyo.
Malaking tulong aniya ang kanyang libro para sa mga gustong magbusiness at kung papaano mag handle ng finances.
May mga personal experiences din daw siyang nilagay para makapag bigay pa ng dagdag na kaalaman at inspirasyon.
Sa ngayon aniya ay dumagdag din sa takot nila ang conflict sa gitna ng China at India.