Inanunsiyo ngayon ng mga organizers ng prestihiyosong Nobel Peace Prize mula sa Norway ang kanilang pagpili sa Filipina journalist na si Maria Ressa at si Dmitry Muratov para 2021 Nobel Peace Prize.
Kung maalala noong nakaraang taon ang nanalo ay ang UN World Food Programme.
Sa paliwanag ng organizers kanila raw kinilala ang pagsisikap ng dalawang journalist na pagsusulong at pagbantay sa “freedom of expression” sa Pilipinas at sa Russia.
Si Ressa ang CEO ng online news site na Rappler, ay isa rin sa kritiko ng Pangulong Rodrigo Duterte, habang si Muratov ang naman ang namumuno ng independent Russian newspaper na Novaya Gazeta.
Ayon kay Reiss-Andersen, ang chair ng Norwegian Nobel Committee, ang dalawa raw ang kumakatawan sa mga mamamahayag upang matapang na tumayo sa gitna ng mga hamon at pagsubok sa kalayaan ng pamamahayag at demokrasya.
“Free, independent and fact-based journalism serves to protect against abuse of power, lies and war propaganda,” ani Reiss-Andersen. “Freedom of expression and freedom of information help to ensure an informed public… These rights are crucial prerequisites for democracy and protect against war and conflict.”
Si Ressa na dating CNN bureau chief ay napili na rin bilang TIME Person of the Year,
Kung maalala nahaharap sa cyber libel case si Reesa sa bansa kung saan noong Agosto 2021 ay ibinasura ng Regional Trial Court, Manila Branch 24 ang naturang kaso.
Gayunman na-convict siya sa unang kaso na inihain ng negosyanteng si sa Wilfredo Keng na ngayon ay nakaapela sa Court of Appeals (CA).
Ang ikalawang cyber libel case naman laban Ressa ay una na ring iniatras ni Keng.
Liban nito meron pang pitong kaso na kinakaharap si Reesa sa iba’t ibang mga korte may kinalaman naman sa isyu ng Philippine Depositary Receipts (PDRs) ng Rappler na naging basehan ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa shutdown order noong taong 2018.
Bilang reaksiyon sa Facebook live ni Ressa, sinabi nito na umaasa siya na sana ang naturang award ay pagkilala sa hirap ng maging mamamahayag sa panahon ngayon.
Samantala ang naturang prestigious award ay may kaakibat na gold medal award at cash prize na 10 million Swedish kronor (higit $1.14 million).
Ang prize money ay nagmula sa pamana ng prize creator na Swedish inventor na si Alfred Nobel na pumanaw noong taong 1895.