-- Advertisements --

ILOILO CITY- Tiniyak ng Ilongga boxer na si Irish Magno na mas gagalingan pa nito ang kanyang performance sa susunod niyang laban matapos tinalo ang kinatawan ng Kenya na si Christine Ongare sa Round of 32 women’s flyweight event sa Tokyo Olympics 2020.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Magno na tubong Barangay Tamu-an, Janiuay, Iloilo at pinakaunang Filipina boxer na nag-qualify sa Olympics, sinabi nito na labis ang kanyang pasasalamat sa mga Ilonggo na walang sawang sumusuporta sa kanya at umaasang susuportahan pa rin siya sa susunod na laban sa round of 16 laban sa Thai boxer sa Hulyo 29.

Ayon kay Magno, pinag-aaralan na niya ang laro ng kanyang susunod na kalaban na ilang beses na rin niyang nakaharap sa boxing ring noon.

Inaalay naman ni Magno sa kanyang kababayan ang kanyang panalo at tiniyak na gagawin ang lahat upang makuha ang inaasam na gintong medalya sa Olympics, the greatest show on Earth.