-- Advertisements --
Abala ngayon ang Philippine women’s football team na Filipinas sa kanilang mga ginagawang friendly games.
Pinakahuli ay ng talunin nila ang United Arab Emirates sa score na 4-1 sa isang friendly game na ginanap sa Dubai.
Naging bida sa panalo ng Filipinas si striker Chandler McDaniel na nagtala nagtala ng dalawang goal habang tig-isa naman sina skipper Hali Long at midfielder Merryl Serrano.
Sinaib ni Filipinas coach Mark Torcaso, na mahalaga ang pagsasagawa ng friendly games para hindi mabago ang mga kanilang playing styles.
Isa rin aniya itong paghahanda para sa mga malalaking torneo na kanilang lalahukan.