-- Advertisements --
Mas pinaghandaan na ngayon ng women’s national football team na FILIPINAS ang gaganaping ASEAN Women’s Futsal Championship na ang host ay ang bansa.
Sinabi ni Philippine Football Federation president John Gutierrez na nasa 100 percent ng nakahanda ang Pilipinas sa laro na magaganap mula Nobyembre 16 hanggang 21 sa PhilSport Arena.
Ang pang-59 na ranked na Filipinas ay mahaharap sa mga matitinding koponan na world number 6 na Thailand, number 11 na Vietnam, number 24 na Indonesia at number 37 na Myanmar.
Giit ni Gutierrez na isang malaking pagkakataon na ito ngayon para mapatunayan ang lakas ng Filipinas para sa pagsabak sa World Cup sa susunod na taon.