-- Advertisements --

Inilabas na ng Philippine women’s football team na Filipinas ang 27 miyembro nito na sasabak sa friendly games.

Kasama sa nasabing roster ang walong bagong manlalaro na sasabak sa Pinatar Cup sa San Pedro del Pinatar, Spain.

Makakaharap ng ranked 38 na Filipinas para sa friendly games ang Finland sa Pebrero 21, Scotland sa Pebrero 24 at Slovenia o Finland sa Pebrero 27.

Magpapalitan bilang goalkeeper sina Leah Bradley , Nina Meollo at Olivia McDaniel habang ang mga attackers ay binubuo nina Dionesa Tolentin, Isabella Flanigan, Chandler McDaniel at star player Sarina Bolden.

Nasa offensive side naman sina Rhea Chan, Katana Norman at Aiselyn Sia habang a defensive side naman sina Maya Alcantara, Angela Beard, Reina Bonta, Jessika Cowart, Sofia Harrison at Hali Long.

Sa midfielder positions naman sina Camille Sahirul will join Tahnai An