-- Advertisements --

Naghahanda na ang men’s and women’s football team ng bansa para sa paglahok sa mga pangunahin kompetisyon.

Sa darating na Oktubre 11 hanggang 14 ay lalahok ang men’ national team sa King’s Cup sa Thailand kung saan makakaharap nila ang host country, Tajikistan at Syria.

Habang ang Filipinas ay sasabak sa Pink Ladies Cup sa mula Oktubre 26-30 kung saan makakasagupa nila ang Jordan at Congo.

Tiwala naman si men’s football team head coach Albert Capellas na magtatagumpay ang koponan ng bansa dahil sa matinding ensayo ang kanilang ipinakita.

Nakita nito ang malaking potensiyal ng mga manlalarong Pinoy dahil sa personal niya itong nag-scout sa kanila.

Siniguro naman ni Filipinas head coach Mark Torcaso na makakapaglaro sila sa Asian Cup 2026 at World Cup 2027 kaya labis ang kanilang ginagawang paghahanda.