-- Advertisements --

Nabigo ang Filipinas women’s football team sa South Korea 3-0 sa kanilang friendly games sa Icheon Sports Complex.

Sa first half ng laro ay naging maganda ang depensang ipinakita ng Filipinas dahil kapwa walang puntos ang 2 koponan.

Pagpasok ng second half sa 73 minutes ay nagiba ang depensa ni Jessica Cowart matpaos maipasok ni Choe Yuri ang goal.

Matapos ang tatlong minuto ay naipasok ni captain Ji Soyun ang goal.

Pagdating ng 88 minuto ay naipasok ni Jang Seigi ang ikatlong goal.

Sa apat na paghaharap ng Filipinas at South Korea ay iisa lamang ang naitalang goal ng football team ng bansa mula kay Sarina Bolden sa Asian Games sa Hangzhou, China.

Tiniyak naman ni Filipinas coach Mark Torcaso na magkakaroon sila ng adjustments sa muling paghaharap nila ng South Korea sa araw ng Lunes.