Bumaba ang rankings ng Philippine women’s national football team.
Sa pinakahuling edisyon ng FIFA Women’s World Rankings ay nasa pang 41 na sila ngayon.
Noong nakaraang rankings ay nasa pang-39 ang world rankings ng FILIPINAS.
Isa sa mga naging malaking sanhi ng nasabing pagbaba nila ng rankings ay ang magkahalong resulta ng FIFA window noong nakaraang Oktubre.
Tinalo nila ang Jordan 3-0 subalit nabigo sila sa mas mababang ranking sa kanila na Kenya sa score na 4-1.
Ang pagkatalo sa Kenya ay isang malaking kagulatan kung saan pang-39 noon ang ranking ng FILIPINAS habang ang Kenya ay nasa pang-151.
Dahil din dito ay umangat rin ang ranking ng Kenya na nasa pang-149 na ngayon.
Ang Filipinas din ay siyang pang-pitong ranked team sa Asya kung saan ang pang walo ang Japan, Pang-siyam ang Korea-DPR, Australia pang-15, pang-17 ang China, pang-20 ang South Kora at pang-37 ang Vietnam.
Nananatiling nasa unang puwesto ang Olympic champion na USA na sinundan ng Spain habang ang Germany ay nasa pangatlong puwesto.