Tuluyan nang aalis bilang head coach si Alen Stajcic, matapos ang makasaysayang kampanya ng Filipinas sa FIFA Women’s Football 2023.
Matatandaang natalo ang Filipinas nitong araw ng linggo, sa paghaharap nila ng team Norway.
Ang nangyaring pagkatalo ay kasunod na rin ng pagbubunyi ng buong team, nang talunin nila ang team ng New Zealand sa score na 1-0.
Kaninang umaga, inanunsyo na ni Jefferson Cheng, ang nagsisilbing manager of the Filipinas, na tuluyan na ring lilisan si Stajcic bilang pangunahing coach ng koponan.
Kasama niya ang kanyang chief assistant na si Nahuel Arrarte.
Ayon kay Cheng, ang kontrata ng dalawa ay nagtapos na, kasabay ng pagtatapos ng kampanya ng Filipinas para sa FIFA 2023.
Nais man aniya ng team na mapanatili ang kanilang serbisyo ngunit pinili umano ng dalawa na maghanap ng mas magandang oportunidad sa ibang lugar.
Maalalang pinangunahan ni Stajcic ang training at conditioning ng mga miyembro ng Filipinas simula noong Oktubre ng taong 2021.
Sa pamamagitan ng batikang coach, nagawa niyang madala sa qualifying tournament ang team Philippines, kahit na unang sabak lamang ng mga ito sa mga kompetisyong para sa FIFA womens football