-- Advertisements --

Walang bahid na pagkadismaya si Philippine Women’s Football team coach Alen Stajcic sa pagtatapos ng FIlipinas sa 2023 FIFA Womens’ World Cup.

Kahit na tinalo sila ng ranked number 12 na Norway sa score na 6-0 ay nakita ni Stajicic ang magandang laban na ipinakita ng Filipinas.

Napansin din nito na pinaghandaan sila ng Norway matapos na makuha ng Filipinas ang makasaysayang unang panalo sa World Cup ng talunin ang host country na New Zealand.

Ang makapaglaro lamang sa World Cup aniya ay isa ng maituturing na kasaysayan lalo na noong makuha pa ng bansa ang panalo kontra sa host country.

Nasa mahigit 33,000 na fans ang nanood ng laban kung saan karamihan sa mga dito ay Filipno na galing pa sa ibang bansa ang nasa Eden Park.

Sa ngayon ay naghahanda ang koponan para sa pagsabak nila sa darating na Asian Games sa buwan ng Setyembre na gaganapin sa Setyembre.