-- Advertisements --
Nakahanda na ang Filipinas women’s national football team ng bansa para sa pagharap nila sa Papua New Guinea.
Gaganapin ang laban nila sa Western Sydney Wanderers Park sa Sydney, Australia.
Tinalo na kasi ng Filipinas ang Papua New Guinea 5-1 sa kanilang unang paghaharap noong Linggo.
Ito na ang pang-30 na international match ng Filipinas kung saan sa unang pagkakataon ay nag-qualify sila sa FIFA Women’s World Cup.
Sinabi ni coach Alen Stajcic na ang laro nila laban sa Papa New Guinea ay siyang magiging huling laro ng koponan ngayong taon.
Naging mabunga kasi aniya ang taong ito kung saan nag-qualify sila sa World Cup, nagwagi ng bronze medal sa SEA Games at nagwagi ng AFF Women’s Championship.