-- Advertisements --

Nanawagan ng pagdarasal ang Filipinas womens’ football team para sa kanilang kauna-unahang pagsabak ngayong araw sa FIFA Womens’ World Cup.

Gaganapin kasi mamayang ala-1 pm. oras sa Pilipnas ang laban nila sa Switzerland sa Forsyth Barr Stadium, Dunedin, New Zealand.

Ito ang pangalawang beses na lalahok Switzerland sa World na ang una ay noong 2015 FIFA World Cup ng talunin sila ng host country na Canada sa round of 16.

Bagamat itinuturing na paboritong manalo ang Switzerland ay gagawin ng Filipinas ang lahat ng kanilang makakaya para maipanalo ang laban.

Ang susunod naman na laban ng Filipinas na July 25 kung saan makakaharap nila ang host country na New Zealand dakong 1:30 ng hapon oras sa Pilipinas.

Ito na ang pang-anim na World Cup appearance ng New Zealand na ang una ay noong 1991, 2007, 2011, 2015 at 2019.

Huling makakaharap ng Filipinas ang Norway sa July 30 dakong alas-3pm oras sa Pilipinas.

Itinuturing na ang Norway ang beteranong koponan na makakaharap ng Filipinas dahil sa ito na ang pang-siyam na pagsabak nila sa World Cup at sila ang naging kampeon noong 1995 Womens World Cup na ginanap sa Sweden.