-- Advertisements --
Itinuturing ng Womens football team na Filipinas na mahaharap sila sa matinding hamon sa ikalawang laban nila sa FIFA Women’s World Cup sa araw ng Martes.
Ito ay dahil sa makakaharap nila ang host country na New Zealand.
Tinalo kasi ang New Zealand ang Norway 1-0 sa opening game nila noong nakaraang linggo. Habang ang Filipinas ay nabigo kontra sa Switzerland sa score na 0-2.
Kapag manalo ang New Zealand kontra sa Filipinas ay tiyak na ang kanilang puwesto sa knockout stage.
Umaasa naman ang Filipinas na ipapakita pa rin ng mga Pinoy fans sa New Zealand ang kanilang suporta gaya ng ipinakita nila noong unang laro kontra sa Switzerland.