Mahaharap ngayong sa malaking hamon ang Philippine women’s national football team na Filipinas sa nagpapatuloy na 19th Asian Games.

Ngayong araw kasi ay makakaharap nila ang South Korea sa crucial Group E match sa laro na gaganapin sa Wenzhou Sports Center Stadium sa Wenzhou, China.

Kagagaling lamang ang Filipinas sa panalo 3-1 kontra sa Hong Kong sa kanilang unang laban noong nakaraang linggo.

Maituturing kasi ng Filipinas na mabigat ang South Korea dahil sila ay nasa ranked 20 sa buong mundo.

Tinalo ng South Korea ang Myanmar 3-0 noong nakaraang linggo din.

Huling nakaharap ng Filipinas ang South Korea ay noong semifinals ng AFC Women’s Asian Cup sa India noong nakaraang taon kung saan nagwagi ang South Korea 2-0.