-- Advertisements --
Nabigo ang Philippine national women’s football team na Filipinas sa Kenya 4-1 sa Pink Ladies Week na ginanap sa Turkiye.
Sa first half pa lamang ay hawak na ng Kenya ang kalamangan 2-0.
Unang nakapagtala ng puntos para sa Filipinas si Sarina Bolden matapos ang 20 minuto ng second half.
Naging mabilis ang pagbawi ng Kenya at nakuha ang magkasunod na goal.
Inamin ni head coach Mark Torcaso na maraming errors silang nakamit at kanila itong gagamitin bilang aral sa mga susunod na laro.
Nagtapos ang kampanya ng Filipinas sa 1-1 record ng Friendlies kung saan tinalo nila lamang ang Jordan.