-- Advertisements --

Nakahanda na ang Philippines womens national football team na Filipinas sa kanilang friendly games laban sa South Korea.

Gaganapin ngayong araw ang nasabing laban sa Icheon Sports Complex sa South Korea.

Maituturing na ito ang unang international friendly games ng Filipinas ngayong taon.

Magugunitang tinalo ng South Korea ang Filipinas 5-1 sa kanilang huling paghaharap sa Hangzhou Asian Games.

Sinabi naman ni Filipinas coach Mark Torasco na kanilang pinaghandaan ang nasabing laban at kanilang pinag-aralan na ang anumang naging kakulangan noong huling paghaharap ng nasabing 2 koponan.