Nagtapos sa 3-3 draw ang laban ng Philippine women’s football team laban sa home team na Uzbekistan sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup Qualifiers.
Unang nakapagtala ng goal ang Filipinas sa unang apat na minuto ng laro at naitabla agad ng Uzbekistan sa 12:53 oras ng laro na ginana psa Yunusobod Sports Complex sa Tashkent.
Mayroon ng isang panalo at isang draw ang Filipinas habang ang Uzbekistan ay wala pang panalo at may isang draw.
Nitong araw ng Sabado ay tinambakan ng Filipinas ang Kuwait 4-1.
Hawak ng Uzbekistan ang 3-2 na kalangan sa natitirang dalawang minuto ng laro subalit naging mabilis si Judy Connolly ng Filipinas para agad na maipasok ang goal at maitabla sa 3-3 ang laro.
Sinubukan pa ng Uzbekistan na maitabla ang laban sa natitirang tatlong segundo subalit hindi na umabot.
Susunod na makakaharap ng Filipinas ang Turkmenistan sa Miyerkules na tinalo ng Australia 6-1 nitong Sabado.