-- Advertisements --

Inanunsiyo ng longtime captain ng Filipinas football na si Tahnai Annis ang kaniyang pagreretiro.

Sa isang football podcast ay inanunsiyo ng 35-anyos ang nasabing desisyon.

Sinabi nito na ilang buwan na niyang pinag-isipan ang nasabing pagreretiro.

Si Annis ay isinilang sa US na tubong Lucena ang kaniyang mga magulang.

Naging bahagi ng Philippine women’ Football team si Annis noong 2018 at mula noon ay natulungan niya ang national team na makakamit ng tagumpay.

Naging captain siya ng mag-qualify ang Filipinas sa FIFA Women’s World Cup 2023 at dinala ang 2022 AFF Women’s Championship na ginanap sa bansa.

Mayroon siyang kabuuang 43 caps at 14 goals para sa Filipinas.

Huling naglaro ito sa Pilipinas noong Abril 2024 sa isang friendly games laban sa South Korea.