-- Advertisements --

Umaasa pa rin ang Philippine Women’s Football team ng bansa na Filipinas na makapasok sa final phase ng Asian Fooball Confederation (AFC) Women’s Olympic Qualifying Tournament.

Ito ay matapos talunin nila ang Iran 1-0 sa laro na ginanap sa Rectangular Stadium sa Perth, Australia.

Tanging ang goal ni Tahnai Annis sa first half ang nakapanalo Filipinas.

Dahil sa panalo ay nasa pangalawang puwesto na ang Filipinas sa Group A matapos ang dalawang panalo.

Ang hindi pa tiyak ay kung makausad pa sila sa qualifiers para sa Paris Olympics sa susunod na taon.

Kailangan kasing matapos sa draw ang laban ng China at South Korea at kailangan din na matalo ang Uzbekistan o magtapos din sa draw ang laban nito sa India.