-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine womens’ football team ng bansa na Filipinas na sila ay babawi at magtala ng panalo sa nagpapatuloy na Pinatar Cup sa Spain.

Kasunod ito sa pagkatalo nila kontra sa Wales 1-0 nitong araw ng Huwebes.

Susunod kasi na makakalaban ng Filipinas ang Scotland sa araw ng Sabado.

Sinabi ni Philippines coach Alen Stajcic na may mga adjustments na silang ginawa para matugunan ang mga pagkukulang sa pagkatalo nila sa Wales.

Ang nasabing torneo ay bilang paghahanda na rin ng koponan para sa FIFA Womens’ World Cup na gaganapin sa New Zealand sa buwan ng Setyembre.